Marami-rami na rin akong na-encounter na mga taong lubos na nagpasakit ng dibdib ko. Hindi dahil sa love, hindi rin dahil sa sama ng loob, pero dahil sa awa.
Masakit sa dibdib ko na makakita ng mga taong nahihirapan. Napakalambot ng puso ko sa mga ama o nanay o kaya naman ay mga matatanda na nagtatrabaho pa sa init ng araw o sa buhos ng ulan. Nakakaawa. Sabi naman sakin ng ate ko, bakit daw ako maaawa e nagtatrabaho naman sila. Pinipilit naman daw nilang umasenso.
Pero ewan ko ba. Iba talaga ang dating nila sakin. Lalo na yung mamang nakita kong nagbebenta ng mga kutsilyo. Nasa labas lang siya ng Jollibee at nagpupunas ng pawis. Naisip ko. Gutom na kaya siya? Sobra na kaya siyang pagod? May bumili na kaya sa kanya? Hay. Gustung-gusto ko siyang labasin at abutan ng burger na kinakain ko pero nahiya naman ako na baka masamain nya ang asal ko. Kaya nagkasya na lang ako sa pag-o-offer ng prayer sa kanya. Tsk.
Gusto ko na nga lang isipin na mali ang mga na-imagine ko sa mga ganung tao. But that is reality e. Mahirap talagang maging mahirap. Syempre naranasan ko e. Ang hiling ko na lang sana ay pinapahalagahan ng mga anak nila ang kanilang mga paghihirap. Sana ay mag-aral silang mabuti. Makuntento pansamantala sa kanilang kalagayan (wag magreklamo kasi masakit sa mga magulang na di maibigay sa mga anak nila ang mga bagay). At mahalin nila ang mga magulang nila. Walang katapat ang pagod sa isang matamis na yakap.
Sumasakit ang dibdib ko para sa kanila. Pero at the same time ay super proud din ako. Wag sana kayo mapagod! Darating din ang umaga :) Jesus will provide :)